Nanakawan na naman ako! This happened a few hours ago.
Pero buti na lang at coin purse lang ang nakuha saken. P31 laman nun, kaya naibayad ko sa jeep ay 500. Anyways, habang naglalakad ako sa foot bridge somewhere sa Marikina, nung pababa na ako, may naramdaman akong gumalaw sa bag ko sa likod. Natakot ako kaya binilisan ko ang lakad ko. Nung nakarating na ako sa maraming tao, lumingon ako pero wala naman akong nakita.
Nang nakasakay na ako ng jeep pa-Katipunan, nakita ko na bukas yung bag ko. Di ko makita ang coin purse ko. Dun ko na na-realize na ninakaw nya pala yun. Kaya binayad ko yung 500 sa wallet ko. Tumigil na lang yung sasakyan sa gas station sa Katipunan para magpapalit at masuklian ako.
Buti na lang at nasa bulsa ko yung 2 kong phone at wallet, kung hindi, patay tayo dyan. Di ako makakauwi.
Habang nasa jeep pauwi, na-realize ko na may isa pala akong nakitang mama bago ako umakyat ng footbridge. Nakatingin sya sakin at inisip ko na baka magnanakaw sya. Di ko na lang pinansin dahil may mga tao naman sa taas ng bridge. Sa tingin ko sya yung nagnakaw sakin.
Kaya word of advice from someone who had been robbed twice and mugged once:
When you see people looking at you suspiciously, walk away from them.
When you are in unfamiliar places, be wary and extra-cautious.
When you have a backpack, do not put your valuable things (wallet, cellphone, ATM & credit cards, IDs, keys) at the back pocket of the bag. Put them in your jean's side pockets, especially if you're wearing tight jeans.
Take care everytime!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment